Monday, May 30, 2011

RH Bill. Let's give a damn!

Mahabang Introduction na may mga segway segway pa
Sa blog na ito, ilalabas ko na ang lahat ng mga nalalaman ko tungkol sa RH Bill at daragdagan ko pa sa pamamagitan ng pagreresearch. Siyempre hindi na ako gagamit ng APA o kung anu-ano pa. Internet nalang para malibis.

Eto na nga tayo. Parang naulit nanaman yung katulad ng nangyari bago maipasa ang Rizal Law. Pero wag niyo akong buweltahan agad. Hindi pa ako pinapanganak nun. Napag-aralan ko lang, at para sa mga naka-experience nun, sana naaalala niyo pa.

Kung ayaw niyo na basahin yung intro ko, basahin mag-scroll down na kayo agad.

So ayun nga. Gusto ko muna sagutin kung bakit ba ako gumawa ng blog na ito? Para magpapansin? Well siguro pwede na rin yun pero sa totoo lang kaya ako nag-blog ulit dahil sabi nga ng Simbahan, "We cannot remain silent and not do our duties" pero hindi naman yan yung saktong sinabi nila pero may sinabi talaga silang ganyan pag binubuweltahan sila ng mga tanong na kung bakit sila laging nakikialam. Pangalawang rason ay dahil medyo naiinis narin ako na andami na atang mga taong nagsasabi na Pro RH sila or Anti pero hindi naman nila alam kung ano nilalaman ng RH Bill; "basta alam ko na makakatulong sa mga kababaihan", "basta alam ko bawal yan kasi abortion", "basta alam ko libre condom". Hindi ba't nakakainis nga yun? Sabi nga ng Green Day, "Know your enemy". At siguro ang pang-huling rason ay dahil napaisip ako nang mabasa ko ang tweet ng aking magaling na kaibigang si Jyle Sulit at sabi niya "In the same way that people who are antiRH only 'coz they're proChurch; people who are proRH only 'coz they're antiChurch should reconsider". Tama nga naman diba? Baka naman malaking bias lang yung nandyan. Kaya sa blog kong 'to, sana hindi ako ma-eskumulgado dahil hindi ako 100% Anti RH Bill at tsaka kung saka-sakali, ilalabas ko narin lahat ng ayaw ko sa RH Bill dahil kung sakali nang maipasa 'to, 'di na tayo pwede magsalita laban dito dahil kasama ito sa mga "Prohibited Acts" ng RH Bill.


Himayan na!                                                   
Ok eto na, sisimulan ko na ang pag-talakay sa RH Bill. 

Ang House Bill No. 5043 o mas kilala sa pangalang "Reproductive Health Bill" or "RH Bill" na may opisyal na pangalang "The Responsible Parenthood, Reproductive Health and Population and Development Act of 2011" ay isang batas na nagsusulong ng

  • "promotion of gender equality, equity and women’s empowerment as a health and human rights concern" naiintindihan naman siguro natin yan diba? Medyo mahirap kasi itranslate eh. Sorry. Pero tinataguyod nito ang kalusugan ng mga kababaihan.
  • "access to medically-safe, legal, affordable, effective and quality reproductive health care services, methods, devices, supplies and relevant information and education thereon even as it prioritizes the needs of women and children, among other underprivileged sectors" na ang ibig sabihin ay pagbibigay ng kakayahan para sa mga kababayan nating mahihirap sa mga ligtas, legal, abot-kaya, epektibo at dekalidad na mga serbisyong pangkalusugan, kagamitan, kasangkapan at mga impormasyon tsaka edukasyon na naaayon dito.
Yan yung kumbaga eh "giest" o summary ng RH Bill. Marami pa yan kaya baka gusto niyo muna basahin kung ano talaga 'to kesa naniniwala lang kayo sa naririnig niyo at sa chismis. Eto ang link para mabasa niyo lahat:  15th Congress: Consolidated RH Bill


Sec. 3. Guiding Principles
Sinasabi rito na merong

"Freedom of choice, which is central to the exercise of right, must be fully guaranteed by the State;" kaya't 'wag na 'wag natin kakalimutan yan dahil ito ay isang KARAPATAN.

"The provision of medically safe, legal, accessible, affordable and effective reproductive health care services and supplies is essential in the promotion of people’s right to health, especially of the poor and marginalized"
Oks na oks din 'to dahil kailangan talaga ng mga kababayan nating mahihirap na maingatan ang kalusugan nila!

"The State shall promote, without bias, all effective natural and modern methods of family planning that are medically safe and legal" at siyempre dapat walang kinikilingan tsaka dapat dekalidad ang serbisyo!

Yan ang ilan sa mga guiding principles ng RH Bill na sa totoo naman ay hinahangaan ko at pabor ako.

RH Bill Pros and Cons
Siyempre unahin muna natin ang mga PROS ng RH Bill dahil baka sabihin ng mga taong nakakakilala sakin eh, biased ako dahil isa akong Katoliko at PRO CHURCH naman ako.
Pro Life Pro Jesus lahat na ng pro!

Pro Mil.. Joke lang. Corny pa.

Sec 5. Midwives for Skilled Attendance 
Sinasabi dito na dapat eh kumuha ng hustong bilang ng mga midwives para makamit ang minimum ratio na 1 sa 150 deliveries per year. Tama nga naman 'to diba? Para rin naman magkaroon ng trabaho ang mga kababayan natin at siyempre, umaapaw na tayo sa mga nurse, baka pwedeng sila yung maging mga skilled midwives. Tama ba? Sorry di ko rin kasi alam.

Maganda rin 'to kasi sabi rin sa batas na pati yung mga isolated areas eh dapat meron pareho din ang level of access nila rito. Diba maganda nga naman yun? Isipin niyo nalang yung mga malalayo talagang lugar tulad nung napuntahan ko na "Sitio Karahume" na talagang MALAYO sa bayan at parang tatatlo lang ata ang sasakyan nila para makapunta ng bayan.

So, ok 'to. Pro RH bill tayo dito!

 Sec 6. Emergency Obstetric Care
Ang Obstetric care ayon mismo sa depinisyon ng RH Bill, ito yung mga kagamitan at serbisyo na ginagamit sa maternal complications.
Kinakailangan dito na dapat may isang (1) ospital na may COMPREHENSIVE OBSTETRIC CARE at apat (4) naman ay may BASIC OBSTETRIC CARE.

Unahin natin ang BASIC obstetric care, dapat ay matutugunan nito ang mga sumusunod:
  1. administration of parenteral antibiotics;
  2. administration of parenteral oxytocic drugs;
  3. administration of parenteral anticonvulsants for pre-eclampsia and eclampsia;
  4. manual removal of placenta;
  5. removal of retained products; and
  6. assisted vaginal delivery;  
Basahin niyo nalang yung buo. Onga pala, tandaan niyo yung number 4 na manual removal of placenta dahil medyo importante yan.

Hindi ko kaya iexplain lahat yan dahil kung ireresearch ko pa at ilalagay ko pa sa blog ko eh baka wala nang mag-basa at talagang isulong niyo na ang OPTICAL HEALTH CARE na sinasabi ko. Hindi rin naman yan self explanatory dahil masyadong technical at tsaka, OK YAN! NAKAKATULONG YAN SA BAYAN!

Ang pang-huli nga palang ikinaganda nitong Emergency obstetric care eh  yung COMPREHENSIVE Obtetric Care ay nagbibigay ng delivery service na caesarian section.

So ok ulit 'to diba mga guys? Lalo na ulit para sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Sec 7. Access to Family Planning
Eto na ang isa mga kontrobersyal na isyu sa RH Bill. Pero bakit nasa PROS ko 'to?
Ang dahilan kasi dito, kailangan naman talaga 'to ng mga kababayan natin. Dito na papasok yung sinabi ko kanina na sana hindi ako ma-eskumulgado ng minamahal at ginagalang kong Simbahan dahil unang-una, binigyan tayo ng Free will at pwede natin gamitin ito at sa tingin ko naman, kung mag-asawa ang gagamit ng mga family planning methods na ito, hindi naman ata masama at labag sa kautusan ng Panginoon 'yon.

Tinatanong ng marami, bakit nga ba tutol ang Simbahan dito sa family planning na 'to? Eto ang sagot: Kasi naniniwala ang Simbahan na meron nang conception kahit na hindi pa naffertilize ang egg cell. Basta yun na 'yon ok? Kasi yan nalang yung natatandaan ko sa Religion class ko nung 4th yr. highschool ako.

Biodegradable pa!
Eto ang isa sa mga hindi ko nasasang-ayunan na ideya kasi kung gusto ng Panginoon na bigyan ng anak ang isang mag-asawa, mangyayari at mangyayari yon at papalpak sigurado ang kahit ano pang family planning method na gagamitin kahit na plastic bag pa ng SM ang itakip ng lalaki sa ari niya! Kasi kung iisipin niyo, baliktarin natin ang sitwasyon; hindi ba't may mga mag-asawa na ginagawa nila ang lahat para magka-anak pero hindi sila magkaroon? Para rin namang ganun ito diba? Kung ayaw natin magka-anak pero gusto ng Panginoon, ibibigay niya sa atin iyon dahil para satin talaga 'yon.

Sana rin ay mas maging mapag-unawa na ang Simbahan na responsable na naman ang mga Pilipino at kailangan talaga 'to ng mga mag-asawa na kapos sa pera at kailangan lang talaga magmahalan.

Alam ko na naiisip niyo narin na kaya tumututol ang Simbahan dahil magkakaroon rin ng access ang mga kabataan at mga hindi mag-asawa sa mga ganito. Intayin niyo. Nasa PROS parin tayo.

Kaya inuulit ko, Ok parin tayo dito! Sana maunawaan ng Simbahan na kailangan natin 'to. Well, hindi ako kasama ah. Kailangan ng mga mag-asawa 'to. 

Sige, pabilisin na natin ang blog ko para hindi na natin masyadong isa-isahin pero sana basahin niyo parin yung original text.


Ok rin sakin ang mga sumusunod:

SEC. 8. Maternal and Newborn Health Care in Crisis Situations

SEC. 9. Maternal Death Review

SEC. 14. Benefits for Serious and Life-Threatening Reproductive Health Conditions

SEC. 15. Mobile Health Care Service

 

 At lalong ayos rin ang

SEC. 23. Sexual and Reproductive Health Programs for Persons With Disabilities (PWDs)

 Dahil sa totoo lang natuwa ako nung nakita ko 'to kasi napaisip ako na "uie oo nga pala, nakakalimutan natin ang mga kapatid natin na may mga kapansanan". Makakatulong nga talaga 'to sa kanila dahil mabibigyan din ng sigla ang buhay nila. Hindi por que may kapansanan sila, hindi na sila dapat maging masaya.


 

 Isa pang ayos sa RH Bill ay ang 

SEC. 25. Implementing Mechanisms

(d) Take active steps to expand the coverage of the National Health Insurance Program (NHIP), especially among poor and marginalized women, to include the full range of reproductive health services and supplies as health insurance benefits;

dahil kailangan na kailangan natin niyan at lalo na ang mga kapatid nating naghihikahos!

                                                                                                                                                          

PERO!!! Eto na.. Ang pinaka-aabangan ng lahat... ang mga CONS ng RH Bill.


RH Bill Pros and Cons

Simulan natin ulit sa umpisa ang diskusyon!

Sa Sec. 3 number 6, sinasabi dito na The State shall promote programs that: (1) enable couples, individuals and women to have the number and spacing of children and reproductive spacing they desire.

Ang medyo nakakabagabag dito mga kaibigan eh para raw ito sa couples, "INDIVIDUALS", and women. Pero hindi sinabing para sa mag-asawa. Alam kong medyo hindi sasang-ayon ang iba sakin dito pero kasi hindi ba't dapat para sa mga mag-asawa lang ang responsibilidad na magkaanak? Or better yet gumawa ng anak at hindi para sa INDIVIDUALS? Gusto ko lang naman malaman. Hindi naman ako Supreme Court para mag-interpret ng batas. Opinion ko lang naman 'to.

 Isa pang nakakapagtaka na provision dito eh, eto:

Sec. 3. #9. While this Act recognizes that abortion is illegal and punishable by law, the government shall ensure that all women needing care for post-abortion complications shall be treated and counseled in a humane, non-judgmental and compassionate manner;

Eh hindi ko kasi talaga maintindihan talaga yung mangyayari dito... Bakit kailangan isa-batas pa natin ito? Hindi ba't dapat naman talagang tulungan ang mga nangangailangan? Hindi ba't "implied duties" yun ng mga ospital? At tsaka isa pa, oo nga ilegal ang abortion, pero kung magkakaroon ng ganitong batas, mas madali nga naman magpa-abort kasi mababawasan ng risk sa kalusugan. Siguro meron, pagkakakulong diba? Pero sa panahon ata ngayon hindi na mahirap makulong. Pwede naman magtext at mag-aircon sa loob ng selda eh. Ay! Ibang topic pala yun.

Pero ayun nga. Isipin niyo, diba kung alam ng mga tao na pag nagpa-abort sila at sa kasamaang palad eh magkasakit sila o komplikasyon dahil sa maduming paraan ng pag-aabort, may batas tayo na tutulong sa kanila para mailigtas ang sarili.

 Tila binibigyan natin sila ng butas para mapadali ang buhay nila at maisip nila na "OK LANG YAN".

 Alam niyo mga kaibigan, this is the last thing that we need. Hindi yung RH Bill per se ah. Yung mabigyan ng ideya ang mga nag-aabort o nagbabalak mag-abort na OK LANG magpa-abort kasi sa ngayon palang na ilegal na ang aborsyon, sabi sa GNN, dun sa senado, sabi nung Pro RH na lalaki, halos 500,000 cases a year daw ang abortion sa Pilipinas!

Hindi lang yan.. Nakakalungkot na pati mga kabataan, na mas bata pa sakin, 18y/o lang ako ah, eh nakapagpaabort na. Siguro mga 16y/o or 15y/o lang yun. Hindi ko sure ah. Kwentu-kwentuhan kasi yun pero hindi ba't malaki posibilidad na mangyari yun? Isipin niyo nalang, mayaman na pamilya, CEO or bigtime parents, teen-ager na anak na babae, panganay, nabuntis... Nakakasira ng reputasyon diba? Haaay...

For ages 3+. :D Ayos!

 Sige tigilan na natin ang homily dito sa abortion. Feeling ko mababalikan ulit yan mamaya.

Sec. 3 #10 There shall be no demographic or population targets and the mitigation of the population growth rate is incidental to the promotion of reproductive health and sustainable human development; 

 M-hm! For children of all ages. :D Nako... Hahahaha.

 

 

 


 

 Reproductive Health Care  dito na nakalagay yung mga:

proscription of abortion and management of abortion complications; nadiscuss na natin kanina yan

adolescent and youth reproductive health; oh eto. Sige. Pano ba 'to? Reproductive health para sa adolescent at youth? Parang dating nito eh reproduction at an early age! Hahahaha. Sana naman hindi diba?

 elimination of violence against women; meron na 'to eh. Magna Carta for Women Chapter IV Sec. 9.

 education and counseling on sexuality and reproductive health; hindi ba pwedeng sa Dep Ed na natin pagawa 'to? EXTENSIVE BIOLOGY CLASS nalang? Para mas scientific tayo dun. Tapos ibalance sa religion class? Ano 'to? Uhm, SEX CLASS! SEX ED. REP ED. RH CLASS. Hmmm...

Well, yes mam! :D

reproductive health education for the adolescents; eto ulit. Ganun din naman. Hmmm.. Education = School = Class = Subject = Test = Practical Test? :> Dapat ata sa PROs 'to. Hahaha. Joke. Nako. R-13 na ata 'tong blog ko. Hahahaa.

Isama narin natin dito yung isa pang controversial na

SEC. 16. Mandatory Age-Appropriate Reproductive Health and Sexuality Education

Na sinasabing ang subject daw na 'to ay ituturo ng adequately trained teachers in formal and non-formal educational system starting from Grade Five up to Fourth Year High School using life skills and other approaches.

 Hmm.. Adequate... Synonymous to sufficient, passing, enough, fair, passable, PWEDE NA. :D Mukhang ayoko atang marinig ang Reproductive adventures ng mga teachers ko. Or ok lang siguro kung katulad ni Miss Johnson. :))))) 

 Eh ano nga ba ang ituturo ni "Miss Johnson" satin sa klase niya kung sakasakali?

Eto:

  • (a) Values formation;
  • (b) Knowledge and skills in self protection against discrimination, sexual violence and abuse, and teen pregnancy;
  • (c) Physical, social and emotional changes in adolescents;
  • (d) Children’s and women’s rights;
  • (e) Fertility awareness;
  • (f) STI, HIV and AIDS;
  • (g) Population and development;
  • (h) Responsible relationship;
  • (i) Family planning methods;
  • (j) Proscription and hazards of abortion;
  • (k) Gender and development; and
  • (l) Responsible parenthood
Aba! Winner! Andamin topics for the whole school year!! Exciting!!!  Pero mga boys, wag tayo masyadong matuwa! Baka naman kasi ala-Batista mga guro na ibigay satin diba? Pero kahit na. Fertility awareness? Family Planning methods? Responsible Parenthood? Dapat na ba talaga ituro yan satin? Parang hindi pa ata talaga. Ewan ko lang ah. Siguro nasa pagpapalaki talaga ng magulang yan. Dapat ang mga magulang ang may ganyan.

Reproductive Health Rights. 

Sabi kasi dito "refers to right of couples, individuals.." may individuals ulit to decide freely whether or not to have children. Gusto ko maintindihan 'to eh. Di ko gets. Pero parang hindi maganda. Ayoko atang magkaanak na babae tapos sa debut niya sabihin niya sakin gusto niya na magka-twins. Holy $#!+. :))) Wag please. Hindi magandang right 'to.

 

 

SEC. 10. Family Planning Supplies as Essential Medicines

Isa pa 'to sa magulo eh. At tama nga rin ang sabi ng teacher ko nung High School, sabi niya "Kelan pa naging sakit ang panganganak?" Hahaha. Natawa nga ako dun eh. Ayoko naman banggitin pangalan niya kasi diba baka ayaw niya ma-affiliate sa blog na 'to. Hahaha.

Pero tama nga naman diba? Ung pills ganun ganun nalang? Sa school clinic ko ba makakahingi na ako ng condom? Hehehehe

May joke sana ako tungkol sa nag-iinit na katawan sa clinic kaso... next topic! Hahahaha. Pero may koneksyon sa condom yun. :> okea pills. hahaha.

SEC. 11. Procurement and Distribution of Family Planning Supplies

The DOH shall spearhead the efficient procurement, distribution to LGUs and usage-monitoring of family planning supplies for the whole country. The supply and budget allotment shall be based on.....

Nako, budget nanaman... Dito pumapasok yung naririnig niyong usap-usapan sa condom budget. Hahaha. Wala pa akong nababalitaan sa kung magkano yun pero most probably malaking pera nga gagamitin dun kasi napakaraming condom para sa napakaraming kapitan! Well, siyempre ididistribute sa mga Barangay diba... Sorry kung di niyo nagets yung joke.

Pero ang storya nga dito, budget nanaman, pera nanaman... from past experiences... nako... Naa-I am sorry tayo sa mga ganito eh.. Tapos isipin niyo pa ah, kaakibat pa nitong budget na 'to ang "heigthened nationwide multimedia campaign" under Sec. 23! O diba ayos?! Bongga 'tong bill na 'to! Hahaha. Tapos meron pang "Provided that people in geographically isolated and depressed areas shall be provided with the same level of access."

Oh ayos diba mga pre? Hahahaa. Eh kung pagkain kaya yung ibigay natin sa kanila na maron ring SAME LEVEL OF ACCESS? Baka mas gugustuhin nila yung kesa sa pills at condom. Baka itanong pa nila sa inyo, "makakain ba namin yan?".










Sec. 12. ...DOH shall endeavor to integrate a responsible parenthood and family planning component into all antipoverty and other sustainable human development programs of government, with corresponding fund support...

Hmmm... pano kaya mangyayari 'to? Sa lahat ng mga development programs laging may family planning?  Kung sa bagay... 

 Hanep na mga sponsor. :D

 

Magna Carta for Women                           

Ano nga ba 'tong Magna Carta for Women?

Well, etong MCW, eh isang batas rin na naipasa na na ayon sa isang interpolator na napanood ko sa TV eh tila pinag-gayahan nalang daw ng RH Bill dahil nga maraming batas dito na redundant. Paulit ulit at wala man lang "legal attribution". Nako. Plagiarism! 


RH Bill:

Reproductive Health Care 

(c) proscription of abortion and management of abortion complications;


Magna Carta for Women:

Sec. 17. Women's Right to Health

(7) Prevention of abortion and management of pregnancy-related complications;


Ang sabi niya pa nga "Almost word for word Mister [Chairman], Your Honor. [Almost verbatim]". Gusto ko sana sabihin kung sino siya pero hindi ko siya kilala eh. Marami pa siyang sinabi na magkakatulad na mga provisions at sabi niya pa nga "Kung term paper ko po 'to sa UP ay siguradong tanggal na po ako Mister [Chairman], your honor."
At isa pa, sinabi niya rin na ang dating title nga ng RH Bill ay "Reproductive Health and Population Development Act of 2008" na ngayon ay "The Responsible Parenthood, Reproductive Health and Population and Development Act of 2011" na. Sabi niya na "sugar-coating" na lang daw ito.

Well, as a matter of fact, para ngang ganun nalang ang nangyari. Dahil kung babasahin niyo rin po ang Magna Carta for Women na available dito: Magna Carta for Women, marami nga rin ang pagkakapareho ng dalawang batas na 'to. Simulan niyo sa Sec. 17! Madami po dun kung gusto niyo mabilisan. :D 

 

Ending                                                      

Ayan. Pwede na siguro yon dahil SOBRANG HABA na talaga nitong blog ko at feeling ko, bilang lang sa sampu yung umabot sa part na 'to at pakiramdam ko yung mga umabot dito, sila pa yung may paninindigan na at marami nang alam tungkol sa RH Bill.

Sana hindi. Sana marami pang nakabasa sa inyo nito na konti palang yung alam at sana rin may natutunan kayo sakin kahit konti.

Hindi ko sinasabing sundan niyo yung pinaniniwalaan ko tungkol sa RH Bill dahil ang layunin lang ng blog ko eh mabigyan kayo ng ideya kung ano meron sa RH Bill na 'to.

Alam ko masasabi niyo na bias siguro yung blog ko kasi nga may paninindigan ako pero, ganun talaga eh. Sinubukan ko naman na wag masyadong bias at sa totoo lang, hindi ko kinilingan yung paninindigan ko. Pinilit kong maging as objective as possible.


Ending part 2: Ano stand ni Beau?             

Onga! Kanina pa ako dada nang dada wala pa yung sagot ko.

Well, kasi yung sagot ko, medyo balimbing pero wala kayong magagawa. Nasa gitna talaga ako. Gusto ko compromise. Kasi nga sa totoo lang marami namang magandang layunin 'tong batas na 'to diba? Sa totoo lang diba? All negativity aside. Diba? Meron lang talagang mga butas na dapat maayos at sana mabigyan ng compromise para mga happy tayong lahat. Sana si Manong Johnny nalang yung gumawa nito noh? Hahaha.

Pero ayun ulit. Compromise tayo. Magtulungan tayo para mas maramdaman ng tao na Democratic tayo. Back to basics ika nga. The government of the people, for the people, by the people. Ewan ko kung tama gamit ko dun. Hahaha. Pero sana nga ganun. Magka-isa tayo.

 

Ending part 3: Pro or Anti?                       

Sa totoo lang, ANTI. I mean kung wala nang ibang choice ah. Katulad ng sinabi ng Professor ko na si Atty. Sales "You take the good with the bad". Eh, ayaw ko ata nun. So anti nalang ako.

Bakit? Well, simple lang. Kasi yang mga family planning family planning na yan, andyan na lahat yan. Available na yan. Oo alam ko, "Hindi por que available, ibig sabihin ay accessible". Eh, hindi ba't dapat responsibilidad na ng pamilya yun kung gusto nila iafford bumili ng mga ganun? Magkano lang naman ang condom? Magkano na ba? Sorry di ko talaga alam. Dapat pala nagtanong ako. May 7-11 na nasa tapat ng bahay namin eh. May condom dun. Pwede ko itanong now na kaso, ang weird naman nun. Pero siguro hindi naman yan 50php/piece diba? Ah basta! Tapos yung mga management of post abortion blah blah or kung anu mang complications, "implied duties" nga ng mga ospital ang mangalaga ng kalusugan diba? At nasa Magna Carta for Women narin yung iba.

Sabi nga ulit nung isa pang Anti RH Bill peepz na napanuod ko sa TV, baka nga poor implementation ang meron tayo kaya kahit na may batas na tayo, walang nangyayari. Totoo naman ata yung sinabi niya. Kasi kahit ano atang batas gawin natin, hindi rin masusunod kung hindi rin maiimplement nang maayos. Katulad nung no smoking policy, sa totoo lang di ko alam na may ganun pala pero ngayon lang pinagtibay. Kahit ata yung SEAT BELT! Nung bagong panganak ako hanggang grade 3 ata ako, wala namang seat belt seat belt eh. Di ko nga alam na ganun pala gamit nun eh! Hahaha.


Ending part 3: Other ideas                        

Alam niyo, babalik at babalik din naman tayo sa simula kahit anog pag-usapan natin. Hindi naman talaga natin problema ang kahirapan eh. Ang tunay na problema natin talaga eh yun korapsyon.

Sinubukan ko sa blog ko na wag isama yung factor ng korapsyon para naman hindi ako masyado maging bias diba? Kaya dito ko nalang ilalagay. Kasi kahit naman anong funds pa yan, kahit na anong klaseng program pa yan, kung layunin ng mga congressmen natin ay yung FUNDS at hindi pag-tulong sa kapwa kaya nila gusto ipasa yan, nakakalungkot lang dahil kawawa nanaman ang Pilipino. Ginamit na ang mahirap, ginamit pa ang kababaihan. Wala akong sinasabing ganun ang ginagawa nila. Ang sinasabi ko, BAKA lang at kung ganun nga, NAKAKALUNGKOT lang. Wala akong sinabing awayin niyo sila. Wala talaga.

Isa pa! Kung problema talaga natin yung populasyon, hindi kaya dapat gumawa tayo ng mga batas na bawal ang mga 'to?

Kaso ang ganda talaga ni Cristine eh. Lalo na yung billboard niya sa may bago mag Shaw station!





Noon time na noon time!

 

Naaalala niyo yung mga ganyan?


Okaya siguro dapat yung mga ganito dapat bawal:

Oh eh ano nga ba?





Ah! Kaya pala "Laging masigla at walang palya!"

End.


                                                                               

Courtesy of:  The Responsible Parenthood, Reproductive Health and Population and Development Act of 2011.

 

SEC. 18. Certificate of Compliance

No marriage license shall be issued by the Local Civil Registrar unless the applicants present a Certificate of Compliance issued for free by the local Family Planning Office certifying that they had duly received adequate instructions and information on responsible parenthood, family planning, breastfeeding and infant nutrition.


At sabi nila...

 

SEC. 3. Guiding Principles

The following principles constitute the framework upon which this Act is anchored:
  1. Freedom of choice, which is central to the exercise of right, must be fully guaranteed by the State;


2 comments:

  1. SEC. 16. Mandatory Age-Appropriate Reproductive Health and Sexuality Education


    Who will be the target age of this? Imagine yourself at the age of 10-12. Do you have any idea about how your parents made you? Look, 10 years is innocent of the word SEX/Condom or even contraceptives. What do they love to do? Play basketball, trade some pokemon cards, be on our PSP/Gameboy/PS3 right?

    Can you imagine your religion teachers (even Sisters/Brothers/Priest) will tell you to bring banana in class for a seatwork on how to use Condom? AT THE AGE of 10 years old? And if they won't give you that knowledge they'll be persecuted? Crime against this Republic Act.

    ReplyDelete
  2. Well not really I suppose. Kasi malabo yung provision diyan eh. Kasi ang provision ay "Any person who engages in malicious disinformation" and disinformation is not synonymous to unwillingness to teach. And besides, their guiding principle is FREEDOM OF CHOICE.
    Well, I am not a congressman to comment on that I suppose; as my professor would say. Haha

    ReplyDelete